Zeitgeist 2010: Paano naghanap ang mundo
Mula sa World Cup hanggang sa lindol sa Haiti, pinagbuklod ng 2010 ang mundo. Sa paglisan natin sa taong ito, tinitingnan namin ang mga pinakamalalaking kaganapan, balita, at taong bumuo sa taon. Sinuri namin ang bilyun-bilyong query na na-type sa Google sa buong taon upang bigyan ka ng isang pag-silip sa 2010 ayon sa mga lente ng mga paghahanap sa Google.
Pamamaraan
Upang pagsama-samahin ang Zeitgeist sa Pagtatapos ng Taong 2010, pinag-aralan namin ang pinagsama-samang bilyun-bilyong query na na-type ng mga tao sa paghahanap sa Google sa taong ito. Gumagamit kami ng data mula sa maraming pinagmumulan, kabilang ang Insights for Search at mga panloob na tool sa data. Pini-filter rin namin ang spam at umuulit na mga query upang bumuo ng mga listahang pinakamahusay na nagpapakita ng mga alaala ng nakaraan. Ang lahat ng mga query sa paghahanap na aming pinag-aralan ay mananatiling sikreto-walang personal na impormasyon ang ginamit.
Paalala sa kung paano namin inilalarawan ang listahan: maliban kung saan may tala, ang lahat ng mga termino sa paghahanap na ito ay ang pinakasikat para sa 2010—nirangguhan ayon sa mga query na may pinakamaraming paghahanap ngayong taon. Sa ilang kaso, inilista namin ang mga query na "pinakamabilis ang pagtaas ng popularidad," na nangangahulugang nakita namin ang mga pinakasikat na paghahanap na isinagawa sa 2010 at pagkatapos ay niranggo ang mga ito batay sa kung gaano ang itinaas ng popularidad nito kumpara noong 2009. Sa kabaligtaran, ang mga query na "pinakamabilis malaos" ay naging napakasikat noong 2009 subalit nanamlay ang popularidad sa 2010.
Tungkol sa Mga Visualization na ito
Ipinapakita ng mga inayos na paghahanap kung gaano karaming paghahanap ang nagawa para sa isang partikular na termino, kaugnay sa kabuuang bilang ng ma paghahanap na ginawa sa Google sa paglipas ng panahon. Hindi nito kinakatawan ang eksaktong dami ng paghahanap, dahil inaayos at ipinapakita ang data sa sukatang 0-100. Ang bawat query ay hinahati sa pinakamataas na punto na naabot ng query, o 100. Kapag wala kaming sapat na data, ipapakita ang 0. Magbasa nang higit pa tungkol sa kung paano namin sinusukat at inaayos ang bawat data.
Ngayong taon, nagdagdag kami ng mga interactive na visualization ng data para sa mga pangunahing kaganapan sa mundo at sikat na tao mula sa taong ito. Galugarin ang pinakamalalaking kaganapan ng mundo, tingnan kung sinong mga celebrity at tao ang pinakasikat, at alamin pa ang bawat query gamit ang aming mga bagong tool.
Higit Pang Data
Inaasahan naming nasiyahan ka sa aming pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari ng 2010. Ngunit hindi doon dapat magtapos ang kuwento—kung interesado ka pa sa paggalugad ng mga trend sa paghahanap sa buong mundo, may iba't ibang paraan upang magawa ito.
I-translate ito
Maaari kang gumamit ng malawak na hanay ng mga tool sa Google Translate upang i-translate ang anuman sa aming mga international na pahina ng Zeitgest ng pagtatapos ng taon nang hanggang sa 51 wika. Halimbawa, kung, nagsasalita ka ng Espanyol ngunit gustong basahin kung ano ang pinag-uusapan sa Japan sa taong ito, ilagay lang ang teksto o ang URL ng webpage ng pahina ng Japan Zeitgeist sa Google Translate at basahin ito sa iyong sariling wika. O kaya ay maaari mong gamitin ang Google Toolbar sa Internet Explorer o Firefox, na may advanced na translation na awtomatikong magta-translate ng pahina para sa iyo. Awtomatiko mo ring mata-translate ang anumang pahina gamit ang Google Chrome.
Gumalugad pa
Ang aming Zeitgeist ng Pagtatapos ng Taon ay isa lamang maliit na halimbawa ng mga query at mga trend sa paghahanap na sa tingin namin ay kawili-wili sa taong ito. Kung gusto mo nang higit pa sa kung ano ang ibinahagi namin dito, subukang gamitin ang mga tool na ito upang tumuklas pa tungkol sa pandaigdigan at panrehiyong mga terminong ginagamit sa paghahanap sa paglipas ng panahon (sa ilang kaso, mula pa noong 2004).
- Google Trends - Para sa malawak na pagtingin sa data sa query ng paghahanap, maglagay ng hanggang sa limang termino para sa paghahanap upang makakita ng kaugnay na popularidad sa paglipas ng panahon. Magagamit mo ang Mga Trend upang maihambing ang mga termino sa anumang wika mula sa anumang bansa—ang interface ay kasalukuyang nasa wikang Ingles sa U.S., Chinese at Japanese.
- Mga Trend para sa Mga Website – Google Trends para sa data ng trapiko ng website. Mag-type ng isang website address upang makakita ng mga bisita ayon sa rehiyon at kaugnay na mga site na binisita. Kasalukuyang available sa wikang Ingles sa U.S. lang.
- Insights for Search – Mas malapit na pagtingin sa data sa query sa paghahanap para sa mga power user. Lumikha ng iyong sariling mga listahan ng mga query na "pinakasikat" at "pinakamabilis sumikat" para sa iba't ibang heyograpikong rehiyon sa paglipas ng panahon at ayon sa paksa. Available sa 40 wika ang Insights for Search.
- Hot Trends (India, Japan, Singapore at U.S. lamang) – Ang nangungunang 40 query sa paghahanap na pinakamabilis ang pagtaas ng popularidad sa ngayon, na patuloy na ina-update sa buong araw.
I-personalize ito
Marahil ay nais mo lamang ng masusing pagtingin sa iyong sariling gawi sa web sa nakalipas na taon. Bagama't ang data na aming ginamit para sa aming Zeitgeist ay sikreto at pinagsama-sama, may ilang lugar na maaari mong tingnan upang suriin ang iyong mga sariling personal na trend sa paghahanap kung mayroon kang Google account.
- Kasaysayan sa Web - Kung pinili mong paganahin ang Kasaysayan sa Web sa iyong Google Account, makakakuha ka ng kawili-wiling pagsulyap sa iyong sariling aktibidad sa web, tulad ng mga nangungunang query at pinakamataas na aktibidad sa paglipas ng panahon. Upang subukan ito, mag-log in sa Kasaysayan sa Web gamit ang iyong Google Account at mag-click sa tab na "Mga Trend." Maaaring hindi nito maitala ang lahat ng iyong aktibidad sa web, ngunit maaari itong maging nakakatuwang pagbalik-tanaw sa iyong query at kasaysayan sa pag-browse sa paglipas ng panahon.
- Google Reader - Kung gumamit ka ng Google Reader upang magbasa ng mga blog at iba pang mga RSS feed, maaari mong tingnan ang iyong mga trend sa pagbabasa sa pamamagitan ng pagpunta sa tab na "Mga Trend" sa ilalim ng "Iyong pag-aari" sa kaliwang bahagi ng menu.
Alalahanin ito
Manatiling nakasubaybay sa mga sikat na paksang ito mula sa taong ito at abangan ang mga pinakabago habang nagaganap ang mga ito sa 2011. Nag-aalok kami ng iba't ibang paraan upang manatili kang napapanahon sa iyong mga paboritong paksa at makakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa mga ito.
- Google Alerts – Subaybayan ang mga paksang pinakamahalaga para sa iyo sa pamamagitan ng pag-sign up para sa Google Alerts at makatanggap ng mga update sa email tungkol sa mga pinakabagong may-katuturang resulta sa Google (web, web, atbp.) para sa query na iyon.
- Realtime na Paghahanap – Manatiling nakasubaybay sa mga pinakabagong pag-uusap tungkol sa iyong mga paboritong paksa gamit ang mga resulta sa Realtime na Paghahanap. Tumingin ng mga pinakabagong tweet, pag-update ng katayuan, at higit pa tungkol sa kahit anong paksang mahalaga para sa iyo.